Share PDF

Search documents:
  Report this document  
    Download as PDF   
      Share on Facebook

Pahapyaw na Kasaysayan ng Alpabeto at Ortograpiyang Filipino

Ang salita nati’y huwad din sa iba Na may alpabeto at sariling letra Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa Ang lunday sa lawa noong dakong una.

-”Sa Aking mga Kababata” ni Dr. Jose P. Rizal, Calamba, 1869

Ang mga mananaliksik ay nangagkakaisa na ang ating mga ninuno’y may sarili nang kalinangan at sibilisasyon bago pa man dumating ang Kastila. Bukod sa pagkakaroon na ng sistema ng pamamahala at kalakalan, sila ay maalam nang sumulat at bumasa. Samakatwid, mayroon na silang sistema sa pagsulat gamit ang kanilang alpabeto na tinawag nilang Alibata. Ito ay binubuo ng labimpitong titik: tatlong patinig at labing-apat na katinig.

Ang direksyon ng pagsulat ay isa pa ring suliranin sapagkat walang iskolar ang makapaglahad ng di-mapag-aalinlanganang katunayan a katibayan na makapagpapatotoo hinggil dito. Gayon man, ipinapalagay na malamang na tama ang teorya ni Padre Pedro Chirino na ang mga sinaunang Pilipino ay sumusulat nang pabertikal mula taas paibaba at pahorisontal mula kaliwa pakanan.

Sumusulat sila sa mga kahoy at kawayan, sa malalaking dahon, sa lupa at mga bato gamit ang kanilang balaraw o anumang matutulis na bagay bilang panulat at dagta ng mga puno at halaman bilang tinta. Mangilan-ngilan lamang sa mga ito ang umiiral pa sa kasalukuyan at matatagpuan sa mga museo sa ilang lugar. Bunga ito ng mapanirang gawain ng mga unang misyonerong Kastila na dumating sa ating kapuluan dahil ipinalagay nilang ang mga iyon ay gawa ng demonyo. Ang ibang piraso ng literaturang pre-kolonyal ay naipasa sa ibang henerasyon sa pamamagitan ng pasalitang paraan na lamang.

Sa pagdating ng mga Kastila, napalitan ang lumang alibata ng alpabetong Romano. Itinuturing ngang isa sa pinakamahalagang impluwensya sa atin ng mga Kastila ang romanisasyon ng ating alpabeto. Tinuruan ng mga Kastila ang mga Pilipino sa paggamit ng alpabetong Romano. Ang mga titik ay tinawag nang pa-Kastila, alalaong baga’y nakilala sa tawag na Abecedario. Ganito ang tawag sa mga titik sa Abecedario:

/a/ /be/ /se/ /che/ /de/ /e/ /efe/ /he/ /ache/ /i/

/hota/ /i/ /ele/ /elye/ /eme/ /ene/ /enye/ /o/ /pe/ /ku/ /ere/ /erre/ /ese/

/te/ /u/ /ye/ /doble u/ /ekis/ /ye/ /seta/.

Noong panahong iyon, naging palasak ang mga akda sa wikang Tagalog na nakasulat sa palabaybayan ng Kastila tulad ng kasunod na halimbawa:

Cahinahinayang cung ito i maputi Cucupas ang bang°, culai mauauacsi At yaong may ibig na mangagcandili Cusang babayaan sa pagcaruhagi.

- Mula sa Sa May Mañga Anac na Dalaga ni Modesto Santiago

Ngunit hindi lahat ng Pilipino ay yumakap na lamang nang ganap sa bagong sistema ng pagsulat. May mangilan-ngilang matatalinong bagama’t gumagamit ng Abecedario ay nagpasyang magsalamin ng tatak-Pilipino sa pagsulat. Isa sa kanila ay ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal.

Sa kabila ng edukasyong Europeo at kaalaman sa iba’t ibang wika ni Rizal, minahal niya ang kanyang sariling wika. Malinaw itong mababakas sa tula niyang Sa Aking mga Kababata na sinulat niya sa murang gulang pa lamang (may mga nagpapalagay na hindi si Rizal ang tunay na sumulat nito). Una si Rizal sa kampanya ng Pilipinisasyon ng ortograpiya. Halimbawa, ang mga Tagalog na titik na k at w, ‘aniya, ay dapat gamitin sa halip na mga Kastilang c at o. Halimbawa, ang kinastilang Tagalog na salita tulad ng salacot ay dapat umanong baybayin nang salakot. Gayon din ang salitang arao na dapat isulat nang araw.

Noon pa mang 1886, habang siya ay nasa Leipzig, ginamit ni Rizal ang isina-Pilipinong ortograpiya sa pagsasalin sa Tagalog ng William Tell ni Schiller at Fairy Tales ni Andersen. Muli niya iyong ginamit sa pagsulat ng kanyang unang nobelang Noli me Tangere sa Berlin noong 1887.

Habang siya’y naglalakbay sa Brussels, nalathala sa La Solidaridad noong Abril 15, 1890 ang artikulo niyang Sobre la Nueva Ortografia dela Lengua Tagala (Hinggil sa Bagong Ortograpiya ng Wikang Tagalog). Sa artikulong iyon, inilahad ni Rizal ang mga tuntunin ng bagong ortograpiyang Tagalog at, nang may pagpapakumbaba at katapatan, ibinigay niya ang kredit ng adapsyon ng bagong ortograpiya kay Dr. Trinidad H. Pardo de Tavera, may- akda ng El Sanskrito sa Wikang Tagalog na nalathala sa Paris noong 1884.

Para sa rekord, sinulat ni Rizal, nang kapag inugat ang kasaysayan ng ortograpiyang ito na siya nang ginagamit ng mga mulat na Tagalista, ay maibigay kay Ceasar ang kay Ceasar. Ang inobasyong ito ay bunga ng mga pag-aaral sa Tagalismo ni Dr. Pardo de Tavera. Ako ay isa lamang sa mga masigasig niyong propagandista (Zaide & Zaide, 169-170).

Bunga ng pagpapahintulot ng pagpapalimbag ng diksyunaryo at akiat sa gramatika ng Wikang Pambansa at ng pagpapasimula ng pagtuturo ng Wikang Pambansa sa mga paaralan noong 1940, binalangkas ni Lope K. Santos ang bagong alpabeto na nakilala sa tawag na Abakada dahil sa tawag sa unang apat na titik niyon. Ang abakada ay binubuo ng dalawampung titik; labinlimang katinig at limang patinig, na kumakatawan sa isang makahulugang tunog bawat isa:

/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/ /na/

/nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/

Noong 1971, nadama ang di-kasapatan ng dating Abakada sa malawakang panghihiram ng mga salita at sa pagbabaybay ng mga pantanging ngalan. Bunga nito, nilikha ng Surian ng Wikang Pambansa ang Lupong Sanggunian na siyang nagsagawa ng mga pag-aaral.

Nagkaroon din ng ilang public hearings ang Lupon sa Pambansang Wika ng Kumbensyong Konstitusyunal. Makalipas ang tatlong buwan, inilahad ng Lupong Sanggunian ang kanilang pasyang dagdagan ng labing-isang titik ang dating Abakada. Iminungkahi nilang idagdag ang mga sumusunod: C, CH, F, J, N [enye] , LL, Q, RR, V, X at Z na gagamitin sa pagbabaybay ng mga salitang hiram at mga pantanging ngalan.

Ang ilan sa mga naging problema ng mungkahing alpabetong ito ay ang magiging katawagan ng bawat titik at ang magiging kaayusan o order ng mga ito sa alpabeto. May ilang mga mungkahi ang ikinonsider kaugnay nito. Una sa mga ito ay ang sumusunod:

/ey/ /bi/ /si/ /si eych/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/

/ dobol el/ /em/ /en/ /enye/ /en ji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /dobol ar/ /es/

/ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/ /eks/ /way/ /zi/.

Narito naman ang isa pang mungkahi:

/a/ /ba/ /ka/ /da/ /e/ /ga/ /ha/ /i/ /la/ /ma/

/na/ /nga/ /o/ /pa/ /ra/ /sa/ /ta/ /u/ /wa/ /ya/ /si/

/a-che/ /jey/ /elye/ /enye/ /kyu/ /erre/ /vi/ /eks/ /way/ /zi/.

Hindi pa mang ganap na nalilinaw ang mga tanong na kaugnay ng mungkahi ng Lupong Sanggunian, inilathala ng Sanggunian ng Surian ng Wikang Pambansa ang tuntunin sa palabaybayang Pilipino noong Abril 1, 1976. Kaugnay nito, ipinalabas ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura noong Hulyo 30, 1976 ang Memorandum Pangkagawaran Blg. 194 upang pagtibayin ang nasabing tuntunin ng palabaybayan nito.

Maraming mga iskolar ang tumutol sa nasabing tuntunin. Ilan sa kanilang mga argumento ay ang mga sumusunod:

1.Hindi malinaw kung paano tatawagin ang mga letra at kung paano ito pagsusunud- sunurin.

2.Ang pagsasama ng digrapong CH, LL, RR at NG, gayundin ang may kilay na n ay isang paraang di-matipid. Ang mga wika sa daigdig na may titik-Romano ay unti-unting

nagbabawas ng kanilang mga digrapo upang makapagtipid at upang maging praktikal na rin. Ang pagdaragdag ng mga digrapo, kung gayon, ay isang hakbang na paurong.

Kung pagtuturo ng pagbabaybay ang pag-uusapan, kapag naisulat na ng isang mag-aaral ang C at H nang hiwalay, maisusulat na rin niya ang digrapong CH. Gayundin ang letrang LL, RR at NG. Ang letrang N naman ay may kilay lamang na N.

3.Mismong Malakanyang, sa isang liham sa Direktor ng SWP noong Enero 11, 1973, ay tumanggi sa pagsasama ng mga digrapong CH, LL, RR at NG at iminungkahing dalawampu’t pitong letra na lamang ang gamitin.

4.Hindi rin maayos gamitin sa enumerasyon o sa pagbabalangkas ang alpabetong may digrapo.

Bunga ng mga pagtutol at pag-aalalang ang mga ganitong pagbabago ay magbubunga lamang ng kalituhan lalo na sa mga batang nagsisimula pa lamang matutong sumulat at bumasa sa mga paaralang primarya, ang mga mungkahing pagbabago ay hindi tinanggap ng taong-bayan.

Ito ang dahilan kung bakit ang dating Abakada pa rin ang ginamit ng taong-bayan at ng midya at itinuro sa mga paaralan maging hanggang unang pitong buwan ng 1987.

Nagkaroon lamang ng malawakang pagtanggap sa mga pagbabago sa alpabeto noong mga huling buwan ng 1987 nang ipalabas ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 noong Agosto 6, 1987, na may pamagat na Ang Alpabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino.

Simula noon, ang ating alpabeto ay nagkaroon na ng dalawampu’t walong titik na tinatawag nang pa-Ingles maliban sa /enye/ at may pagkakasunud¬sunod na ganito:

/ey/ /bi/ /si/ /di/ /i/ /ef/ /ji/ /eych/ /ay/ /jey/ /key/ /el/ /em/ /en/

/enye/ /enji/ /o/ /pi/ /kyu/ /ar/ /es/ /ti/ /yu/ /vi/ /dobol yu/

/eks/ /way/ /zi/.

Samakatwid, ang pasalitang pagbabaybay ng mga sumusunod na salita ay ganito: ibon = /ay bi o en/ at hindi /i ba o na/, kintin = /key ay en ti ay en/ at hindi /ka i na ta i na/, bote = /bi o ti i/ at hindi /ba o ta e/, U.P. = /yu pi/ at hindi /u pa/, M.L.Q.U. = /em el kyu yu/ at hindi /ma la kyu u/.

Mapapansing ang mga titik ng Bagong Alpabeto ay mula sa dalawampung titik sa dating Abakada na dinagdagan lamang ng walong bagong titik na gagamitin sa pagbabaybay ng mga pangngalang pantangi, salitang hiram, salitang pang-agham at teknikal, salitang may inkonsistent na baybay at mga simbolong pang-agham. Mapapansin ding ang walong

dagdag na letra ay mula naman sa labing-isang iminungkahing idagdag noong 1971. Hindi na lamang isinama ang mga digrapong CH, LL at RR para sa ekonomiya o pagtitipid. Pinanatili naman ang digrapong NG dahil ito ay tatak na ng ating katutubong alpabeto.

Noong 2001, lumikha ng isang teknikal na panel ang Komisyon ng Wikang Filipino na siyang lumikha ng 2001 Revisyon sa Alpabetong Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. Walang pagbabago sa komposisyon at tawag ng mga letra sa rebisyong ito. Pinalawak lamang nito ang gamit ng mga dagdag na letra na nilimitahan ng patnubay sa ispeling noong 1987. Ang mga dagdag na titik na pinalawak ang gamit ay ang F, J, V at Z dahil ang mga ito, diumano, ay may ponemik istatus na hindi kagaya ng C, N, Q at X na mga redandant na titik.

Dalawang mahalagang linggwistikong prinsipyo ang isinaalang-alang sa pagbabalangkas ng mga tuntunin sa ispeling noong 2001. Ito ay ang a) simplisidad at ekonomiya, at b) pleksibilidad. Maganda rin ang mga naging layunin ng proyektong ito – ang makapagbigay- gabay sa panghihiram ng mga salita at pagsasalin ng pasalitang wika tungo sa nakasulat na anyo upang makapag-ambag sa istandardisasyon at leksikal na elaborasyon ng pambansang wika.

Ngunit ang tuntuning ito sa ispeling noong 2001 ay nagbunga ng pagkakahati-hati ng mga iskolar sa wika. May mga sumunod sa tuntunin at mayroong hindi. Mayroon ding sumunod nang hindi ganap na nauunawaan ang mga prinsipyo at tuntunin. Nagbunga ang ganitong sitwasyon ng paglitaw ng iba’t ibang sistema ng ispeling ng mga institusyong akademiko at publikasyon.Sa madaling sabi, hindi umiral ang istandardisadong sistema ng ispeling na isa sanang layunin ng nasabing tuntunin.

Kaya noong 2006, mismong ang KWF na ang nagsuspinde sa nasabing tuntunin, at samantalang hindi pa nakababalangkas ng bago, nagmungkahing ang tuntunin sa ispeling ng 1987 na muna ang gamitin.

May tatlong taon din ng mga pag-aaral at konsultasyon mula noong 2006 bago naipalabas ng Sangay ng Lingguwistika ng KWF ang 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 104, s. 2009 ng DepEd. Ang mga titik sa alpabetong Filipino ay 28 pa rin at ang pagkakasunud-sunod at tawag ay tulad pa rin sa 1987 Ang Alpabeto… Tuluyan nang isinantabi ang mga tuntunin sa 1987 at 2001 Revisyon…, maliban sa mga tuntunin noong 1987 na pinanatili sa 2009 Gabay… Sa Paunang Salita ng

Gabay, nilinaw ni Punong Komisyoner Jose Laderas Santos na:

…hindi nangangahulugan na nasapit na nito ang pinal na yugto.

Sa halip, gaya pa rin ng dati na laging nag-aanyaya sa pagbulas at patuloy na pagyaman.

Kung sinuman, kasama ang mga dalubhasa at mga pantas ng wika ay may makikitang dapat baguhin at paunlarin, ito ay mga biyaya ng wika na dapat tanggapin.

(Ang sipi ng 2009 Gabay sa Ortograpiyang Filipino ay maaaring makuha sawebsite ng Komisyon sa Wikang Filipin0

Physical education (often abbreviated Phys. Ed., P.E., or PE) or gymnastics(gym or gym class) is an educational course related to the physique of the human body, taken during primary and secondary education that encouragespsychomotor learning in a play or movement exploration setting to promotehealth.

Definition of PHYSICAL EDUCATION

: instruction in the development and care of the body ranging from simple calisthenic exercises to a course of study providing training in hygiene, gymnastics, and the performance and management of athletic games

Physical education is a course done in primary and secondary school which is geared to boost psychomotor learning in plays or group study settings. This course introduces students to activities such as bowling, and Frisbee when they are young. Physical education helps students build up activity behaviours which they will bring over into adulthood.

Physical education is a program providing students health-enhancing physical activities.

Physical education is a course that is taken in school to educate about physical activities and exercises. Students participate in physical activites and learn how they are beneficial to their bodies.

Part 5: Examples of Physical Activities

As children develop, they first learn how to make their bodies move. Then, they are able to work independently with a manipulative or homemade prop and eventually learn to work with a partner.

Some examples of physical activities appropriate for preschoolers are:

Traveling Actions

Crawling

Galloping

Hopping

Jumping

Marching

Running

Skipping

Sliding

Walking

Stabilizing Actions

Bending

Pulling

Pushing

Stretching

Swaying

Swinging

Turning

Twisting

Manipulating Actions

Bouncing

Catching

Kicking

Object Handling

Rolling

Striking

Throwing

Tossing

Trapping

Additional activities may include those performed throughout the day, such as cleaning up, sweeping, picking things up, and putting things in the trash.

Source: The "I Am Learning" Curriculum, Developing a Movement Awareness in Young Children, by Linda Carson, PhD., West Virginia University, 2001.

Examples of Physical Activities by Intensity# Light Activity+

less than 3.0 METS*

(less than 3.5 calories per minute) Moderate Activity+

less 3.0-6.0 METS*

(3.5 – 7 calories per minute) Vigorous Activity+

greater than 6.0 METS*

(more than 7 calories per minute) Casual Walking

Bicycling less than 5 mph

Stretching

Sitting

Light weight training

Dancing slowly

Leisurely sports (table tennis, playing catch)

Floating

Boating

Fishing

Golf—using cart

Light yard/house work Occupations requiring extended periods of sitting

Brisk walking (3 - 4.5 mph)

Walking uphill

Hiking

Roller skating at leisurely pace Bicycling 5-9 mph

Low impact aerobics

Aqua aerobics

Light calisthenics

Yoga

Gymnastics

Jumping on a trampoline

Weight training

Moderate dancing

Boxing—punching bag

Most aerobic machines (e.g., stair climber, elliptical, stationary bike)—moderate pace Competitive tennis, volleyball, badminton, diving

Recreational swimming

Canoeing

Horseback riding

Golf—carrying clubs

Housework that involves intense scrubbing/cleaning

Shoveling snow

Carrying a child weighing more than 50 pounds

Occupations that require an extended amount of time standing or walking

Race walking (more than 4.5 mph) Jogging/Running

Wheeling a wheelchair

Mountain climbing

Backpacking

Fast pace in-line skating Bicycling more than 10 mph High impact aerobics

Step aerobics

Vigorous calisthenics

Karate, judo, tae kwon do, jujitsu Jumping rope, jumping jacks Circuit weight training

Vigorous dancing

Boxing—sparring

Most aerobic machines (e.g., stair climber, elliptical, stationary bike)—vigorous pace Competitive basketball, soccer, football, rugby, kickball, hockey, lacrosse

Swimming laps or synchronized swimming

Treading water

Water jogging

Water polo

Downhill or cross country skiing Pushing non-motorized lawnmower

Occupations that require heavy

lifting or rapid movement

Source: U.S. Department of Health and Human Services. (1999). Promoting physical activity. Champaign, IL: Human Kinetics.

# Information in accordance with CDC and ACSM guidelines

* The ratio of exercise metabolic rate to resting metabolic rate. One MET is defined as the energy expenditure for sitting quietly, which, for the

average adult, approximates 3.5 ml of oxygen uptake per kilogram of body weight per minute (1.2kcal/min for a 70-kg individual). For example,

a 2-MET activity requires two times the metabolic energy expenditure of sitting quietly.

+ Intensity level for an average person, defined here as 70 kg or 154 lbs. The activity intensity levels portrayed in this chart are most applicable

to men aged 30 to 50 years and women aged 20 to 40 years. Intensity is a subjective classification. For example, what is vigorous intensity for a

moderately fit individual might be moderate intensity for a highly fit individual.

The generation of tension within a muscle. The term muscle action is generally preferred to muscle contraction because the latter implies shortening. This does not always take place. In striated muscle, there are three types of action: the muscle may shorten (see concentric action), it may remain the same length (seestatic action), or it may lengthen (see eccentric action). In many activities, such as running and jumping, all three types of action may occur in order to perform a smooth, coordinated movement.

1.Saligang Batas ng 1897-ng ating bansa,inihanda ni Feix Ferrer at Isabelo Artacho sa biak na bato na nilagdaan ni Emilio Aguinaldo. Ang unang pangulo ng pilipinas kasama ang 51 na kanyang mga tauhan,pinag tibay na tagalog ang opisyal na wika ng pamahalaan.

2.Saligang batas 1953-seksyon 3 komonwelt ng Pilipinas-nag tadhana ng batas tungkol sa wika. Ang kongreso ay gagawa ng hakband tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na ibabatay sa isa sa mga umiiral sa katutubong wika sa kapuluan.\

3.Komonwelt Blg. 184 Oct. 7 1936-itinagubilin ni pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa asembleya nasyonal ang pag likha ng isang surian ng wikang pambansa na gagawa ng iang pag- aaral ng wikang katutubo sa Pilipinas sa layuning makapagbubuo ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral.

4.Nobyembre 13, 1936-pinagtibay ang batas komonwelt Blg. 184 na lumikha ng isang suriin ng wikang pambansa at itinakda ang mga kapangyarihan at tungkulin ngayon.

1986[baguhin]

Memorandum Pangkagawaran blg. 523 S. 1986 (Abril 17, 1986)

. Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 (Dis. 30, 1937) -Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 sa bisa ng Saligang Batas 1935, ipinahayag ng Pangulong Quezon na ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

1987

Order Pangkagawaran Blg. 22 S. 1987 (Marso 12, 1987)

1988

Memorandum Pangkagawaran Blg. 196, S. 1988 (Agosto 23, 1988)

Atas Tagapaganap Blg. 335 (Agosto 25, 1988)

1990[

Memorandum Pangkagawaran Blg. 85, S. 1990 (Marso 21, 1990)

1991

Memorandum Pangkagawaran Blg. 115, S. 1991 (Hulyo 5, 1991)

1992

Resolusyon Blg. 3-92 (Disyembre 9, 1992)

1993

Resolusyon Blg. 1-93 (Enero 6, 1993)

1994

Resolusyon Blg. 3-94 (Oktubre 19, 1994)

1996

Memorandum Pangkagawaran Blg. 46 S. 1996 (Abril 11, 1996)

CHED Memorandum Order (CMD) No. 59, S. 1996

Resolusyon Blg. 96-2 (Disyembre 18, 1996)

1998

Memorandum Pangkagawaran Blg. 80, S. 1998 (Marso 3, 1998)

1999

Memorandum Pangkagawaran Blg. 36, S. 1999 (Pebrero 3, 1999)

2000

Memorandum Pangkagawaran Blg. 323 S. 2000 (Hulyo 28, 2000)

Memorandum (Setyembre 13, 2000)

Kasaysayan

Paglingon sa Ugat ng Komisyon sa Wikang Filipino ni Dir. Hen. Roberto T. Añonuevo

Nauungkat lamang muli ang usapin sa wikang Filipino kapag pinagmasdan ang pinakabagong dalawampung pisong papel na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Nakasaad doon ang “Filipino as the National Language 1935” ngunit itinatanong ng ilan ang katumpakan ng gayong pahayag.

Hindi totoong noong 1935 nilagdaan ang batas at umiral ang Filipino bilang wikang pambansa.Sa bisa ng Saligang Batas ng 1935, ang Kongreso “ay inaatasang magpaunlad at magpatibay ng pangkalahatang Pambansang Wika na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika” (akin ang diin). Ibig sabihin, wala pa noong ahensiya ng pamahalaan na mangangasiwa o magpapalaganap ng mga patakaran hinggil sa pambansang wika. At wala pa ring napipili noong 1935 kung aling katutubong wika ang magiging batayan ng pambansang wika.

Mababatid lamang ang halaga ng pambansang wika kapag isinaalang-alang na ang Espanyol at Ingles noon ay umiiral bilang mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Ang siniping probisyon sa Saligang Batas ng 1935 ay ipinaglaban ng mga delegado sa Kumbensiyong Konstitusyonal na hindi Tagalog. Kabilang sa pangkat sina Felipe R. Jose (Mountain Province), Wenceslao Q. Vinzons (Camarines Norte), Tomas Confesor (Iloilo), Hermenegildo Villanueva (Negros Oriental), at Norberto Romualdez (Leyte). Si Romualdez na dating batikang mahistrado ang sumulat ng Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatatag ng Surianng Wikang Pambansa.

Sa mensahe ni Pang. Manuel L. Quezon sa Unang Pambansang Asamblea noong 27 Oktubre 1936, sinabi niyang hindi na dapat ipaliwanag pa, na ang mga mamamayang may isang nasyonalidad at isang estado ay “dapat magtaglay ng wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.”

Alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184, itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa “na mag-aaral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika.” Ang pagpili ng isang pambansang wika ay ibinatay sa “pagkaunlad ng estruktura, mekanismo, at panitikan na pawang tinatanggap at ginagamit ng malaking

bilang ng mga Filipino.” Sa madali’t salita, Tagalog ang napili. At pinili ang Tagalog sa ilalim ng pamumuno ni Jaime C. de Veyra (Samar-Leyte), at kinabibilangan ng mga kasaping sina Santiago A. Fonacier (Ilokano), Filemon Sotto (Sebwano), Casimiro F. Perfecto (Bikol), Felix S. Salas Rodriguez (Panay), Hadji Butu (Moro), at Cecilio Lopez (Tagalog). Tampok sa pagpili ng Tagalog ang pagkilala rito “na ginagamit ito ng nakararaming bilang ng mga mamamayan, bukod pa ang mga kategorikong pananaw ng mga lokal na pahayagan, publikasyon, at manunulat.” Hindi nakaganap ng tungkulin si Sotto dahil sa kapansanan; samantalang si Butu ay namatay nang di-inaasahan.

Noong 13 Disyembre 1937, sinang-ayunan batay sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 na pagtibayin ang Tagalog “bilang batayan ng wikang pambansa ng Filipinas.” Ngunit magkakabisa lamang ang nasabing kautusan pagkaraan ng dalawang taon, at ganap masisilayan noong 1940.Dalawang mahalagang tungkuling naisagawa ng SWP ang pagbubuo at pagpapalathala ng A TagalogEnglish Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa. Pinagtibay ng Pambansang Asamblea ang Batas Komonwelt Blg. 570 noong 7 Hunyo 1940 na kumikilala sa Pambansang Wikang Filipino [Filipino National Language] bilang isa sa mga opisyal na wika ng Filipinas pagsapit ng 4 Hulyo 1946. Gayunman, noong 1942 ay inihayag ng Komisyong Tagapagpaganap ng Filipinas [Philippine Executive Commission] ang Ordinansa Militar Blg. 13 na nagtatakda na ang kapuwa Nihonggo at Tagalog ang magiging mga opisyal na wika sa buong kapuluan. Nagwakas ang gayong ordinansa nang lumaya ang Filipinas sa pananakop ng Hapon. At muling ipinalaganap ang paggamit ng Ingles sa mga transaksiyon sa pamahalaan, akademya, at negosyo. At upang matupad ang mithing Pambansang Wikang Filipino, sari-saring seminar ang idinaos noong panahon ng panunungkulan ni Lope K. Santos sa SWP (1941–1946). Halimbawa, iminungkahi ang paglalaan ng pitak o seksiyon para sa wikang pambansa sa mga pahayagang pampaaralan nang masanay magsulat ang mga estudyante. Pinasimulan noong panunungkulan ni Julian Cruz Balmaseda ang Diksiyonaryong Tagalog. Lumikha ng mga talasalitaan sa mga espesyalisadong larang ang termino ni Cirio H. Panganiban, halimbawa sa batas, aritmetika, at heometriya. Isinalin sa wikang Filipino ang pambansang awit nang ilang beses bago naging opisyal noong 1956, at binuo ang Panatang Makabayan noong 1950. Ipinatupad ang Linggo ng Wika, at inilipat ang petsa ng pagdiriwang mulang Marso tungong Agosto. Itinampok ang lingguwistikang pag-aaral sa wikang pambansa at mga katutubong wika sa Filipinas noong panahon ni Cecilio Lopez. Pagsapit sa termino ni Jose Villa Panganiban ay isinagawa ang mga palihan sa korespondensiya opisyal sa wikang pambansa. Nailathala ang English-Tagalog Dictionary; at pagkaraan ay tesawro-diksiyonaryo. Nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Tanggapan ng Edukasyon noong 13 Agosto 1959, na tawaging “Pilipino” ang “Wikang Pambansa.” Ang “Pilipino” na ibinatay nang malaki sa Tagalog ay maghuhunos na “Filipino” alinsunod sa atas ng Saligang Batas 1973 “na linangin, paunlarin, at pagtibayin ang Filipino alinsunod sa umiiral na mga katutubong wika at diyalekto nang di-alintana ang pagtanggap ng mga salita mula sa mga dayuhang wika.” Sa panahon ni Ponciano B.P. Pineda, ang SWP ay nagbunsod ng mga pananaliksik na may kaugnayan sa sosyo-lingguwistika, bukod sa pagpapalakas ng patakarang bilingguwal sa edukasyon. Naipalathala ang mga panitikan at salin para kapuwa mapalakas ang Pilipino at iba pang katutubong wika.

Noong 1986, pumapel ang SWP sa paghahanda ng salin ng Saligang Batas ng 1986, at sa naturang batas din kinilalang ang pambansang wika ng Filipinas ay “Filipino.” Kung paniniwalaan ang nasabing batas, “habang nililinang ang Filipino ay dapat itong payabungin at pagyamanin nang nakasalig sa mga katutubong salitang umiiral sa wikang Filipino at iba pang wika.”

Ano ang maaaring ipakahulugan nito? Na ang “Filipino” ay nangangailangan ng isang ahensiyang pangwika na magtataguyod sa naturang simulain. Ang “Filipino” ay hindi na ang “Pambansang Wika” na

nakabatay lamang nang malaki sa Tagalog, bagkus idiniin ang pangangailangang payabungin ito sa tulong ng mga panrehiyong wika sa Filipinas, bukod pa ang tinatanggap na mga salita sa ibang internasyonal na wika. At upang “mapayabong” ang pambansang wika ay kinakailangan ang isang institusyong pampananaliksik, na may mandatong higit sa itinatakda ng “pagsusuri” ng mga wika.

Kaya naman sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 na nilagdaan ni Pang. Corazon Aquino nalikha ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) na sa pumalit sa SWP. Malulusaw pagkaraan ang LWP nang pagtibayin at pairalin ang Saligang Batas ng 1987 dahil iniaatas nito ang pagtatatag ng isang komisyon ng pambansang wika. Naisakatuparan ito nang maipasa ang Batas Republika 7104 noong 14 Agosto 1991, na nagtatag sa Komisyon sa Wikang Filipino.

Kailangan ang KWF dahil ito ang ahensiyang makapagmumungkahi ng mga hakbang, plano, patakaran, at gawain hinggil sa mga wika, lalo na sa paggamit ng Filipino bilang pambansang wika. Maihahalimbawa ang kasong isinampa ni Inocencio V. Ferrer noong 1965 laban kay Direktor J.V. Panganiban at mga kagawad ng SWP; o kaya’y ang kasong isinakdal ng Madyaas Pro-Hiligaynon Society laban sa SWP upang pigilin itong isakatuparan ang gawaing bumuo ng pasiyang pangwika na labag umano sa Saligang Batas. Nagwagi ang panig ng SWP na kinatigan ng korte, at sinabing may batayang legal ang pag-iral ng nasabing tanggapan, bukod sa kinilalang ang “pagdalisay” at “pagpapayaman” ng katutubong wika [i.e., pagpapakahulugan at talasalitaan] ay kaugnay ng proseso ng “pagtanggap” o “pag-angkin” ng mga salita o impluwensiya mula sa banyagang wika na siyang magpapatunay na ang Filipino ay buháy na wika.

Higit pa rito, inilantad ng nasabing mga usapin ang pangangailangang paghusayin ang paglinang at pagpapaunlad ng wika, sagutin punto por punto ang mga argumento ng gaya ni Geruncio Lacuesta laban sa tinawag niyang “Manila Lingua Franca,” alinsunod sa matalinong paraang nakasandig sa masusing pag-aaral at pananaliksik. Dapat lamang linawin dito na ang pagiging pambansang wika ay hindi lamang nakatuon sa rehiyon ng Katagalugan, kahit pa sabihing ginawang batayan ang Tagalog sa pagbuo ng pambansang wika. Ang Filipino, na patuloy na nilalahukan ng mga salita mula sa iba’t ibang wikang panrehiyon at pandaigdigan, ay sumasailalim sa ebolusyong hindi lamang limitado sa gramatika at palaugnayan kundi maging sa mga pahiwatig at pakahulugan. Ginagamit na ang Filipino hindi lamang sa panitikan o sa Araling Panlipunan, bagkus maging sa pagpapaliwanag ng agham at teknolohiya, inhinyeriya at medisina, batas at matematika, at iba pang larang. Bagaman ang Departamento ng Edukasyon (DepEd) ay nagpalabas ng bagong kautusan hinggil sa pagsasakatuparan ng Edukasyong Multilingguwal, ang nasabing patakaran ay hindi basta-basta maipatutupad hangga’t hindi nababago ang Saligang Batas. Kinakailangang baguhin muna ang probisyon ng Saligang Batas hinggil sa bilingguwalismo na nagsasaad na tanging Filipino at Ingles ang “mga opisyal na wika sa komunikasyon at pagtuturo,” at ang KWF ay malaki ang tungkulin sa pagpili kung aling hakbang ang makabubuti sa pagsusulong ng anumang panukalang polisiya hinggil sa wika.

Maselang bagay ang pagbabago ng mga polisiya, kaya naman dapat ding maging maingat ang Pangulo kung sino-sino ang itatalaga sa Lupon ng mga Komisyoner ng KWF. Anumang mungkahing patakaran o programang pangwika ang imungkahi ng lupon, at siyang sang-ayunan ng Pangulo alinsunod sa itinatakda ng Saligang Batas, ang iiral at dapat ipatupad sa buong kapuluan.

Ang kasaysayan ng KWF ay kasaysayan din ng pagpupundar ng pambansang wikang Filipino. Tuwing babalikan ang pinag-ugatan ng KWF, matutuklasan ang salimuot ng politika at pakikibaka laban o pabor sa Filipino. Gayunman, napatunayan ng Filipino na kaya itong tanggapin sa iba’t ibang rehiyon at gawing

katuwang ng wika ng rehiyon, dahil ang komposisyon ng Filipino ay hindi nalalayo sa naturang wika, kompara sa Ingles na sa kabilang polo nagmumula.